DSWD, nagsimula nang mamahagi ng relief goods sa mga LGU na naapektuhan ng bagyong Ulysses

by Erika Endraca | November 13, 2020 (Friday) | 5086

METRO MANILA – Libu-libo ang napilitang lumikas dahil sa pagbaha na dulot ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson irene dumlao, bilang tulong sa mga lokal na pamahalaan na labis na naapektuhan ng bagyo.

Nagpadala na ng 2,000 family food packs at 400 na sleeping kits ang ahensya para sa Marikina City. 1,000 family food packs at 250 sleeping kits naman ang ipinadala sa Quezon City.

Dagdag pa rito, nagpadala na rin ang ahensya ng mga family food packs sa Cardona Rizal at San Narciso sa Quezon.

Ayon sa DSWD, mayroon silang nasa P800-M halaga ng mga stockpiles o relief goods at standby fund para maipandagdag sa pangangailangan ng mga lokal na pamahalaang naapektuhan ng bagyo.

Patuloy din ang pakikipag ugnayan ng DSWD sa mga Local Social Welfare and Development officers sa mga LGU at mga Camp Managers o mga nagbabantay sa mga evacuation centers.
“Tayo rin po ay gumagabay sa mga Local Government Units upang matiyak na ‘yung kanilang pag manage sa mga evacuation center ay sumusunod po sa ating panuntunan.”ani DSWD Spokesperson, Dir. Irene Dumlao.

Ayon kay Dumlao, nagsasagawa na rin na profiling ang mga ito para sa mga temporarily displaced individuals o mga evacuee upang masiguro na lahat ng pamilya ay makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

“Makakaasa po ang ating mga lokal government unit, ang ating mga kababayan that the DSWD will continue to provide a maagap at mapagkalingang serbisyo.” ani DSWD Spokesperson, Dir. Irene Dumlao.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,