DSWD, nagpa-abot na ng tulong sa mga apektado ng bagyong Butchoy

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 3942

DOH-Secretary-Paulyn-Jean-Ubial
Tuloy-tuloy pa rin ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga residente na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Butchoy at habagat sa Region III at IV.

Nasa animnapung libong family food packs mula sa National Resource Operations Center ng kagawaran ang ipinadala sa DSWD Field Office Region III habang mahigit isang libong relief good packages ang nakahanda sa Region 4-A.

Nanawagan naman si DSWD Secretary Judy Taguiwalo sa mga hindi pa nakakatanggap ng tulong na makipag-ugnayan sa DSWD local offices sa kanilang lugar at ipaabot kung ano ang kanilang mga pangangailangan.

Sa kasalukuyan ay naka-standby pa rin ang DSWD Disaster Teams sa iba’t ibang rehiyong upang magbigay ayuda sa mga disaster operation.

(UNTV RADIO)

Tags: ,