DSWD, naghahanda sa posibleng epekto ng La Niña sa bansa

by Radyo La Verdad | May 3, 2024 (Friday) | 1956

METRO MANILA – Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa inaasahang pagpasok ng La Niña sa Hunyo.

Ayon kay Asec. Irene Dumlao, approved na ang framework agreement ng buong bansa handa project.

Ang proyektong ito ay makatutulong upang mapabilis ang paghahatid ng mga tulong sa iba’t ibang lugar na maaaring maapektuhan ng matinding pagbaha.

Sinusiguro rin ng ahensya na magiging maayos ang paghahatid ng mga ayuda.

At handa rin ang mga evacuation center sa posibleng magiging epekto ng La niña sa bansa.

Tags: ,