Nagsagawa ng rescue operation ang Manila Police at Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Paco Manila kagabi kasabay ng paghuli sa mga lumalabag sa mga ordinansa ng lungsod.
Kabilang sa mga na-rescue ang sampung street dwellers, pitong minor de edad, pitong walang pang itaas na damit at nahuli naman ang dalawang umiinom sa pampublikong lugar.
Ayon kay P/Insp. Senon Vargas Jr. simula nang paigtingin nila sa Paco ang pagpapatupad ng mga ordinansa ay bumaba ang bilang ng mga nahuhuli nilang lumalabag dito.
I-tinurn-over ang mga minor de edad sa mga magulang nito na nahuling lumabag sa curfew hours matapos sumailalim sa counceling.
Ang mga nakuha namang street dwelers ay dadalhin sa temporary shelter ng DSWD sa Maynila.
(Macky Libradila/UNTV Radio)
Tags: Department of Social Welfare and Development, Manila Police, rescue operation
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com