DSWD, iginiit na hindi nanghihiyakat ng ‘dependency’ sa mahihirap ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program

by Radyo La Verdad | July 29, 2015 (Wednesday) | 2803

DINKY SOLIMAN
Mas tumaas pa ang bilang ng mga household beneficiaries ng flagship program ng gobyerno para sa mga mahihirap, ang Conditional Cash Transfer Program o Pantawid Pamilya Program.

Mula sa mahigit 700,800 beneficiaries, umabot na ito sa 4.4 million at maari pa itong madadagdagan ng 50 to 100 thousand hanggang 2016.

Iginiit ng ahensya, maraming positibong epekto sa mga beneficiary ang programa, batay sa impact evaluation noong 2014.

Napatunayan sa evaluation na hindi humihikayat na maging dependent ang mga beneficiaries sa naturang programa.

Bukod dyan, mas naeenganyo pa ang mga magulang sa household beneficiaries na mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Batay sa evaluation, nasa 74 percent ng mga magulang sa household beneficiaries ang umaasa na makakapagtapos ng kolehiyo ang kanilang mga anak kumpara sa 68 percent na mga non beneficiaries.

Nakatutulong din ang pantawid pamilya na mabawasan ang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng mga bata at tumaas din ang oras na ginugulol nila sa paaralan.

Mas tumaas din ang access ng mga nanay at bata sa household beneficiaries sa maternal care, at health services.

Paglilinaw naman ni DSWD Secretary Dinky Soliman, hindi isang dole out ang Pantawid Pamilya Pilipino Program.

Tags: ,