Naghanda ang DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) at iba pang relief items para sa lugar na nasalanta ng Bagyong Dante.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 10,809 na Family Food Packs (FFPs) sa ibat-ibang strategic na lokasyon sa rehiyon.
Kasama dito ang 5,290 na FFPs sa Regional Resource Operations Center(RROC) sa Palo, Leyte; 600 sa Allen, Northern Samar; 1,615 sa Catarman, Northern Samar; 400 sa Catbalogan City, Samar; 1,100 sa Can-avid; 100 sa Naval, Biliran at 200 sa Maasin City, Southern Leyte. Mayroon ding 1,504 FFPs na ipinadala ang Visayas Disaster Resource Center (VDRC) mula sa Cebu.
Samantala,base sa ulat na nakuha ng Project Development Officer (PDOs) ng Disaster Response Management Division, mayroon nang naitalang 638 na pamilya (3,183 na indibidwal) na naapektuhan ng bagyo mula sa mga lugar ng Maasin, Southern Leyte, Naval, Biliran at Matalom, Leyte.
Bukas naman ang DSWD na tumulong sa LGUs na magre-request ng dagdag na tulong.
Nakahanda rin ang 1,500,796.00 standby fund ng DSWD na maaaring gamitin sa pagbili ng food packs at relief items.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: DSWD, family food packs