Sisimulan nang talakayin sa Lunes ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isinumiteng 3.35 trillion peso-2017 proposed national budget ng Duterte administration.
Tiniyak ng House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles na bubusisiing nilang mabuti ang bawat inilaang panukalang budget sa mga ahensya at programa ng administrasyon.
Kabilang sa pag-aaralang mabuti ng komite ang welfare assistance na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development maging ang budget para sa pagtataas sa sahod ng mga pulis at sundalo.
Sa ilalim ng 2017 proposed national budget, aabot sa 39.5 billion pesos ang inilaan para sa miscellaneous personal benefits fund for payment of compensation adjustment kung saan napapaloob na ang salary increase ng mga pulis at sundalo.
Ang pagtataas sa sahod ng unipormadong hanay ang isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na isusulong niya sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
(Nel Maribojoc/UNTV Radio)