Drug user, sumuko sa pulisya sa tulong ng Serbisyong Kasangbahay

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 2484

JUN_SUMUKO
Isa si alyas joseph sa mga drug dependent na nais makapagbagong buhay.

Nagtungo siya sa UNTV sa pag-asang matulungan siya na sumuko sa mga otoridad.

Ayon kay Joseph, 43 anyos, mahigit dalawampung taon na siyang gumagamit ng iligal na droga mula ng mahikayat ng mga kabarkada.

200 hanggang 300 gramo ng shabu ang nagagamit niya sa loob ng isang linggo at gumagastos ng isang libong piso kada buwan para sa masamang bisyo.

Ngunit matapos ang sunud-sunod na pagkakapatay sa mga drug dependents ay nagpasya siyang sumuko sa takot na mapabilang sa mga ito.

Sa tulong ng programang Serbisyong Kasangbahay ay nailapit si Joseph sa Quezon City Police District.

Payo naman ng pulisya sa mga drug dependent na nais sumuko.

Samantala, tutulungan din ng Serbisyong Kasangbahay si Joseph na makapagsimulang muli sa oras na malinis na siya sa illegal drugs.

(Jun Soriao)

Tags: , ,