Drug testing sa mga kongresista, ipinanawagan

by Radyo La Verdad | August 8, 2016 (Monday) | 4186

NEL_DRUG-TEST
Handa ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na sumuporta sa kampanya ni Pangulong Rodrdigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Ayon sa ilang mambabatas, handa silang magpa-drug test kung kinakailangan.

Sinabi naman ni Singson na nararapat ring magpaliwanag ang ilang kongresista na nasa “drug list” ni Pangulong Duterte.

Gaya na lamang ni Pangasinan Representative Jesus Celeste na napasama sa listahan ngunit pinabulaanan na rin ang naturang alegasyon.

Ayon naman kay Ilocos Norte Representative Rudy Farinas, wala sa hurisdiksyon ng Kamara ang kaso ni Celeste dahil nabanggit sa listahan na siya ay “mayor” pa noon.

Kaugnay nito, nagsumite naman ng resolusyon si Surigao Del Norte Representative Robert Barbers, kung saan hinihimok ang lahat ng kongresista, legislative staff, consultants, officers at mga empleyado ng kamara na sumailalim sa mandatory drug test.

Batay pa rin sa resolusyon, sinomang magpopositibo sa mandatory drug test ay dapat maparusahan sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,