Hinamon ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang lahat ng kandidato ng barangay at Sangguniang Kabataan elections na boluntaryong magpadrug test upang patunayan na hindi sila impluwensyado ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay Albayalde, maaring magtungo sa PNP Crime Laboratory ang mga kandidato upang magpadrug-test.
Ginawa ni Albayalde ang hamon matapos ilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong nakaraang linggo ang listahan ng mga barangay officials na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga. Una na ring nanawagan ang ilang mga opisyal na huwag iboto ang mga kandidatong sangkot sa illegal drug trade.
Samantala, dumistansya naman ang PNP sa mga batikos kaugnay ng paglalabas ng PDEA sa narco-list. Matatandaang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na “dumb and cruel” ang paglalabas ng listahan dahil hindi pa ito validated.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: drug test challenge, pdea, PNP