Drug syndicates, bumalik mula nang bumaba sa pwesto si Ex-Pres. Duterte — Sen. Bato

by Radyo La Verdad | December 14, 2022 (Wednesday) | 754

METRO MANILA – Naniniwala si Senator Ronald ”Bato” Dela Rosa na bumabalik na ang mga sindikato sa likod ng kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Para sa senador na dati ring PNP Chief, lumakas umano ang loob ng mga ito mula nang bumaba sa pwesto si Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpahayag din umano ng pagkabahala ang dating pangulo.

“Talagang nalungkot siya na meron na namang ganung pangyayari but he doesn’t want to interfere on how this gov’t is running its own show. Di ko sinasabing nagkukulang ang PNP and PDEA. They are doing their job. ‘Yung fear factor nila kay Pres. Duterte na nawala ngayon, dapat i-compensate nila, pagdiinan nang husto.” Ani Sen. Ronald dela rosa

Tumanggi namang sumagot ang senador kung ano sa tingin niya ang pagkukulang ng kasalukuyang administrasyon pagdating sa laban kontra iligal na droga.

Giit niya, dapat suportahan ang gobyerno sa mga programa nito.

Hinihikayat ni Sen. Dela Rosa ang Law Enforcement Agencies na paigtingin ang internal cleansing nito upang masawata ang mga scalawag sa kanilang hanay na nasasangkot sa illegal drug trade.

Tags: , ,