Drug pusher, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Bagumbayan, Quezon City

by Radyo La Verdad | August 14, 2017 (Monday) | 2241

Isang buybust operation ang isinagawa ng Quezon City Police Station 12 laban sa isang drug pusher sa Brgy. Bagumbayan, Quezon City pasado alas nueve kagabi.

Ngunit nakatunog umano si Dennis Carpio na pulis ang katransaksyon niya kung kaya’t bumunot na ito ng baril at nagpaputok. Gumanti naman ng putok ang pulis at dito na napuruhan si Carpio. Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklara na ng mga doktor na dead on arrival. Samantala sugatan naman ang isang pulis ng madaplisa ng bala sa hita.

Ayon sa barangay officials, matagal nang wanted si carpio at nasa likod din ng ilang krimen sa lugar.

Narekober sa crime scene ang 3 sachet ng hinihinalang shabu at ang baril na ginamit ng suspek laban sa mga pulis.

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,