Drug money, ginagamit ng ASG sa terrorism activities ayon sa Joint Task Force Sulu

by Radyo La Verdad | September 30, 2016 (Friday) | 1169

bryan_asg
Galing umano sa operasyon ng iligal na droga ang perang ginagamit ng Abu Sayyaf Group sa paghahasik ng terorismo.

Ito ang natuklasan ng Joint Task Force Sulu base sa kanilang isinagawang mga operasyon laban sa bandidong grupo sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Karamihan sa mga tauhan o bagong recruit ng grupo ay mga batang lulong sa iligal na droga batay na rin sa mga drug paraphernalia na narerekover ng mga sundalo sa mga napapatay na asg members.

Ang illegal na droga ay ginagamit umano upang akitin ang mga bata at ibinibigay ito sa kanila nang libre habang ang drug money naman ay ginagamit upang tustusan ang araw-araw na operasyon ng mga ito.

Ang paggamit ng ipinagbabawal na droga ng ASG ay pinatotohanan umanong ilang naging hostage nito.

Tiniyak naman ng AFP na hindi nagpapabaya ang militar at pulisya sa pagganap ng kanilang tungkulin na bantayan ang seguridad ng bansa.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,