Umaasa ang Philippine National Police na makakamit ng bansa ang Drug Free Philippines sa lalong madaling panahon. Ito’y sa pamamagitan ng inilunsad na Bida Program o “ Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” ng Department of Interior and Local Government.
Mahigpit ang gagawing pakikipag-ugnayan ng PNP hindi lamang sa mga Barangay at ibang ahensya ng pamahalaan kundi pati na rin sa mga non-government organization gaya ng advocacy groups sa ilalim ng bagong programa kontra droga.
So magiging whole of the nation approach siya. If we have the whole of nation approach in ending the local communist armed conflict, we are going to apply the same strategy kaya sabi namin sa ating mga kapulisan that we have to stop owning the problem because the problem cannot be solved alone by us,” pahayag ni PLTGEN. Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Administration.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration PLTGEN. Rhodel Sermonia, sa Bida Program, sabay na tututukan ng PNP ang supply at demand reduction laban sa illegal drugs.
Kasabay ng mga operasyon, kailangan din ang tuloy-tuloy na information drive sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.
Magsasagawa din ng house visitation ang mga Barangay sa drug users na nais nang magbagong buhay.
Bukod sa Quezon City, ang bida program ay nailunsad na din sa Cagayan de Oro City, Cebu City at Davao City.