Nasabat ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang mga drogang isinilid sa loob ng sapatos at bisikleta.
Limampung gramo ng shabu ang isiniksik sa loob ng bisikleta habang may labing anim na gramo naman ng shabu ang ibinaon sa loob ng leather na sapatos ang ipinadala mula sa Quezon City papunta ng Saudi Arabia at Europa.
Mula Enero ngayong taon pa lamang ay umabot na sa P2 million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa NAIA.
Ikinabahala naman ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force ang makabagong pamamaraan ng drug smugglers sa pagtatago ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay Enforcement Security Service Ariel Nepomuceno, bukod sa bisikleta at sapatos ay may mga nahuli na silang droga na isinilid sa loob ng stuff toys, bra at maging sa diaper.
Anya, mas pai-igtingin nila ang seguridad sa pag-detect ng droga upang masabayan ang istilo ng mga drug smugglers.
(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)
Tags: Bureau of Customs, Ninoy Aquino International Airport, sapatos at bisikleta