Driver ng Partas Bus na nasangkot sa aksidente sa Agoo, La Union, posibleng walang panagutan sa insidente – LTFRB

by Radyo La Verdad | January 11, 2018 (Thursday) | 6746

Matapos makuha at mapag-aralan ng LTFRB ang CCTV video sa banggaan ng bus at jeep sa Agoo, La Union na ikinamatay ng 20 tao, nakita ng ahensya na bukod sa nasa tamang linya ang driver ng bus, isang oras pa lang itong nagmamaneho at nasa tamang kundisyon nang mangayri ang aksidente.

Gayunman sa isinagawang pagdinig kahapon, nakita ng ahensya ang pangangailangan na masuri ng mga eskperto ang mga driver ng pampasaherong sasakyan na mai-involed sa anomang uri ng aksidete bago muling bumalik sa pagmamaneho.

Dahil na rin ito sa pag-amin ng driver ng bus na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapagmaneho dahil sa posibleng pagka-trauma sa insidente.

Nanindigan naman ang operator ng jeep na si Ronald Docusin na hiniram lang sa kaniya ang jeep at hindi niya alam na pina-arkilahan pala ito.

Sa January 24, inaasahang maglalabas na ng desisyon ang LTFRB para matukoy kung sino ang may pananagutan sa naganap na madugong trahedya.

 

( Grace Casin / UNTV News and Rescue )

 

 

 

 

Tags: , ,