Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki matapos maaksidente ang minamaneho nitong motosiklo sa Diversion Road Panacan Davao City, pasado alas dos madaling araw ng myerkules.
Kinilala ang biktima na si Joseph Estoque 26 anyos residente ng Deca Homes Cabantian Davao City
Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima sa mga tinamo nitong sugat sa kaliwang paa at mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan
Itinuturong dahilan ni Estoque ang tumirik na dump truck sa gilid ng daan na pilit niyang iniwasan na naging sanhi kaya siya nadisgrasya
Samantala matapos bigyang lunas ng grupo si estoque ay dinala na ito Southern Philippines Medical Center.
(Janice Ingente/UNTV News)
Tags: Davao City, Southern Philippines Medical Center., UNTV News and Rescue Team s