Ipinauubaya na ng mga miyembro ng Liberal Party kay DILG Secretary Mar Roxas ang pagpili kung sino ang gusto niyang running mate sa 2016 elections.
Matapos mabalita na tumanggi sina Senator Grace Poe at maging si Batangas Governor Vilma Santos na maging running mate ni Roxas lumulutang naman ngayon ang pangalan ni Senate President Franklin Drilon.
Ngunit kaagad itong itinanggi ni Drilon.
Sinabi ng Senate President na pareho silang taga panay ni Roxas kaya malabo silang mag-tandem.
Itinanggi rin ni Drilon, re-electionist sa 2016 na may alok siyang maging running mate ni Roxas.
Naniniwalasi Senator Drilon na kahit na matuloy na tumakbo sina Senator Poe at Chiz Escudero ay hindi mahahati ang Administration Coalition.
Samantala pinabulaanan ni Senador Cynthia Villar ang pahayag kahapon ni Nationalist Peoples Coalition President Georgidi Agabao na nag-uusap na ang Nacionalista Party at NPC upang suportahan ang Poe-Escudero tandem.
Ayon kay Villar walang nangyaring pag-uusap ang Nacionalista at NPC.
Sinabi nitong uunahin muna nilang asikasuhin ang mga miyembro ng NP na matunog na kakandidato tulad nina senators Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes IV at Bongbong Marcos Junior.
Ayon kay Villar maging ang kanyang asawa na presidente ng NP ay nagulat sa mga naging pahayag ni Aggabao sa press conference kahapon.
Tags: Batangas Governor Vilma Santo, Nacionalista Party, Senador Cynthia Villa, Senate President Franklin Drilon