Inihahanda na ng National Telecommunications Commission ang draft circular upang mapalakas ang karapatan ng mga internet service subcriber.
Sa ilalim ng draft circular, tinataasan ang standard na dapat makuha ng mga subscriber at nagpapataw ito ng multa kung hindi ito maabot.
Nakasaad din sa draft circular na hindi dapat singilin ang subcriber sa panahon na putol ang internet connection at maaari rin makakuha ng refund ang customer.
Ayon kay NTC Regulation Branch Dir. Edgardo Cabarios,pinapaigting nito ang nauna ng inilibas na utos ng pamahalaan noong pang 1950’s na nagsasabing maaaring bigyang ng refund ang consumer kung mawala ang serbisyo ng TELCO ng lagpas sa 24 hours.
Tags: Internet, internet subscribers, National Telecommunications Commission