DPWH VIII naglabas ng erratum kaugnay sa inilabas nitong news release

by Erika Endraca | November 26, 2020 (Thursday) | 7906

Kaagad na naglabas ng erratum ang Department of Public Works and Highways Region VIII kaugnay sa naipalabas nitong news release noong Nov. 19 na may pamagat “DPWH-NSFDEO completes Polangi -Gebulwangan-Quezon-Trangue-Mabini-Road in Catarman N. Samar”, na kung saan tila nagpapahiwatig na natapos na ang konstruksyon ng nasabing kalsada.

Sa paglilinaw ng DPWH VIII, hindi ang ang kabuuang konstruksyon ng kalsada ang natapos kundi road section lamang ng Brgy. Polangi bandang Polangi -Gebulwangan-Quezon-Trangue-Mabini-Road sa Catarman N. Samar.

Humihingi ng paumanhin ang admin ng facebook page ng DPWH VIII kaugnay sa pagbibigay ng maling impormasyon at binibigyan na ng kaukulang aksyon ang nasabing pagkakamali.

(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: