DPWH Sec. Mark Villar, bubuo ng comprehensive master plan upang maresolba ang problema sa baha at trapiko sa Cebu

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 1041

GLADYS_VILLAR
Nalubog sa baha ang ilang lungsod sa Metro Cebu noong Biyernes matapos lamang ang ilang oras na pagbuhos ng malakas na ulan.

Nagdulot ito ng mabigat na traffic dahil marami ang na-stranded na pasahero at motorista.

Upang maiwasan na ang katulad na pangyayari, pinulong ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang mga alkalde ng Metro Cebu kasama ang ilang ahensya.

Tinukoy sa pulong ang mga nakikitang ugat ng problema sa baha sa Cebu gaya ng hindi tamang pagtatapon ng mga basura at pagtatayo ng bahay sa mga daluyan ng tubig.

Plano rin ng DPWH na bumuo ng comprehensive drainage master plan at i-upgrade ang existing drainage systems sa Cebu.

Bukod sa baha, bubuo rin ng plano ang DPWH at Local Government Units upang maresolba ang problema sa mabigat na traffic at pagpapaunlad sa rural areas sa Cebu.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,