DPWH, nakapagpatayo ng higit 75,000 silid-aralan sa loob ng 3 taon

by Erika Endraca | November 24, 2020 (Tuesday) | 7497

METRO MANILA – Umabot na sa kabuoang 75,479 na silid-aralan ang naipatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa loob ng 3 taon.

Batay sa ulat ng ahensya, nasa 50,562 na silid-aralan ang naitayo noong 2017; 23,161 noong 2018 ; at 1,756 naman nitong taong 2019.

Sa pahayag ni DPWH Secretary Mark Villar, sinabi nito na mas maayos at maluwang na mga silid-aralan ang madaratnan ng mga estudyante sakaling bumalik na face to face classes.

“Sa ngayon ay may mga paaralan na may mataas na number ng enrolees ang may sapat na silid-aralan”, dagdag ni DPWH Secretary Mark Villar.

Sa ilalim naman ng proyektong Basic Education Facilities Fund (BEEF), nagsanib pwersa ang DPWH at DepEd sa pagpapatayo ng mga building, gumawa rin ang mga ito ng modipikasyon sa mga school building plans kung saan mula sa isa ay gagawing apat na palapag ang ang mga itatayong gusali na susubaybayan naman ng DepEd ang pagpapatayo.

Samantala, umaasa naman ang kalihim na mas marami pang mga silid-aralan sa pagsapit ng taong 2021.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,