DPWH, naglunsad ng programa para sa mga indibidwal na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic

by Radyo La Verdad | December 9, 2021 (Thursday) | 31313

METRO MANILA – Inilunsad nitong Martes (December 7) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang programa na magbibigay oppurtunidad para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, inilunsad nila ang Assistance to Youth and Unemployed for Development and Advancement (AYUDA) kung saan lahat ng kanilang departamento at mga district engineering offices ang siyang nanguna rito.

Dagdag pa ni Secretary Mercado na sa pamamagitan ng AYUDA program, mapapalawak pa ang Build, Build, Build program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay trabaho sa mga kabataan na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

“Target ng DPWH na mabigyan ng trabaho ang isang miyembro ng bawat pamilya na makakatulong upang may panggastos sila sa pang-araw-araw” ani DPWH Secretary Roger Mercado.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: