DPWH, may road reblocking sa ilang bahagi ng Metro Manila mula March 27-30

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1088

IMAGE_UNTV-News_MAY022013_PHOTOVILLE-International_Raymond-Lacsa_EDSA-Traffic

Isasara ang ilang kalsada mamayang gabi o sa weekend dahil sa road reblocking ng Department of Public Works and Highways.

Sa abiso ng DPWH at MMDA , mula 10:00pm mamaya hanggang 5:00am sa Lunes, March 30, isasailalim sa repair ang 2nd lane ng Mindanao Avenue mula Road Eight hanggang North Avenue at C5 Road Pasig hanggang Bagong Ilog Service Road.

Sa Northbound naman ay isasara ang 2ND lane ng Commonwealth Avenue, mula sa main gate ng Commission on Audit hanggang sa exit gate nito pati na sa Market Extension Overpass (Bicol-Leyte overpass).

Sa Eastbound naman ay apektado ng road reblocking ang Batasan Road mula Filinvest 2 hanggang Payatas Road pati na ang C-P Garcia Avenue mula University Avenue hanggang Maginhawa street.

Tags: ,