DOTr: signaling system ng MRT, ligtas pa ring gamitin kahit luma

by Radyo La Verdad | August 5, 2016 (Friday) | 1508

MON_LUMANG-SIGNALING
Kumalat sa internet ang mga litratong ito ng lumang signaling system ng MRT Line 3.

Marami ang nabahala dahil isang maliit na computer na nasa loob ng isang maliit na kwarto ang mekanismong nag mo-monitor sa buong linya ng MRT.

Labing limang taon na ang signaling system ng MRT na pinapatakbo ng tinatawag na Dos system, maituturing na itong obsolete sa panahon ngayon.

Subalit tiniyak ng Department of Transportation na maayos at nasa kondisyon ang signaling system ng MRT kahit luma na ito.

Isang katunayan ay ang madalas na aberya na mo-monitor ng signaling system.

Ang mga lumang tren ng MRT ang gumagamit ng lumang signaling system, ang mga bagong tren na mula sa China ay hindi compatible na gamitin ito.

Kung kaya’t kahit mayroon ng dalawang bagong set ng tren mula sa China, hindi pa rin ito pwedeng sakyan ng mga pasahero dahil walang mag mo-monitor sa mga ito.

Ngayong taon inaasahang makukumpleto ang lahat ng mga bagong tren ng MRT subalit hindi ito mapapakinabangan hanggat hindi na a-upgrade ang signaling system.

Sa ngayon ay nasa bidding process na ang bagong signaling system na bibilhin ng DOTr na gagamitin sa buong linya ng MRT.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,