DOTr proposal para sa traffic management, tatalakayin na ng Senado

by Radyo La Verdad | September 6, 2016 (Tuesday) | 894

senate-generic
Hawak na ng Senado ang proposed projects at draft bill na ginawa ng Department of Transportation para sa emergency powers ng pangulo upang maresolba ang matagal nang problema sa trapiko.

Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe, sa September 8 ay sisimulan nang busisiin ng technical working group ang nilalaman ng isinumiteng panukala ng transportation department.

Nakatakda naman ang public hearing ukol dito sa September 22.

Kabilang sa mga panukala ng transportation department ay ang pagbuwag sa kapangyarihan ng Land Transportation Authority, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority at mga Local Government Unit pagdating sa pagmamando ng trapiko.

Magkakaroon na lamang ng isang central authority ng traffic na pamumunuan ng DOTr.

Tags: ,