DOTr, nilinaw sa publiko na hindi lamang MRT ang kanilang tinatrabaho

by Radyo La Verdad | March 9, 2018 (Friday) | 11057

Muling humingi ng pang-unawa sa publiko ang Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa mga nararanasang aberya sa MRT.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, sinisikap ng kagawaran na maayos ang problema sa naturang mass transport system.

Iginiit rin ni Batan na isa lamang ang MRT-3 sa 1,900 kilometer railway project ng ahensya na target na maisaayos bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Bumaba naman sa halos 50 porsyento ang bilang ng mga pasahero ng MRT dahil sa kakaunting bilang ng tumatakbong mga tren araw-araw.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,