Lalagdaan na ngayong taon ng Department of Transportation at Japanese Government ang kasunduan sa pagtatayo ng Mega Manila Subway Project na mag-uugnay sa Quezon City, Pasig, Taguig at Pasay na target masimulan sa taong 2018.
Ang phase one ng proyekto ay magsisimula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang FTI sa Taguig. Ayon sa DOTr, State of the Art ang itatayong Mega Manila Subway System.
Ang Mega Manila Subway project ay isang 25 kilometer underground railway system na binubuo ng 13 istasyon.
Sa oras na matapos, inaasahang mahigit sa tatlong daang libong mga commuter kada araw ang makikinabang sa proyekto.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)