DOTr, maglalagay ng mga bus na maaring masakyan ng mga pasahero ng MRT line 3

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 3009

Magpupulong ngayong araw ang mga opisyal ng Department of Transportation kaugnay sa gagawing solusyon upang maibsan ang dumadaming pasahero ng Metro Rail Transit 3 o MRT line 3.

Kasama sa pagpupulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at ilang city bus operator sa Metro Manila.

Kabilang sa pinag-aaralang solusyon ay ang paglalagay ng mga bus na maaring masakyan ng mga pasahero ng MRT upang mabawasan ang mahabang pila tuwing rush hour. Sa ngayon ay tatalakayin pa kung ano magiging ruta at byahe ng mga nasabing bus.

Ang hakbang na ito ng DOTr ay matapos nila na i-terminate noong Lunes ang kontrata ng Busan Universal Rail Incorporated ang maintenance provider ng MRT 3.

Tags: , ,