DOTr, iginiit na hindi na magbibigay ng panibagong extension pagkatapos ng April 30

by Radyo La Verdad | January 26, 2024 (Friday) | 9526

METRO MANILA – Iginiit ng Department of Tranportation (DOTr) na hindi na magbibigay pa ang ahensya ng panibagong extension sa oras na matapos ang deadline ng franchise consolidation sa April 30, 2024.

Ito na ang ikawalong beses na pinalawig ang deadline at sapat na aniya ang 3 buwang extension ng deadline, para makapa-comply sa franchise consolidation ang mga jeepney at UV express driver na hindi pa rin nagko-consolidate.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista gugulin nila ang 3 buwang extension para hikayatin ang mga natitirang mga operator na hindi pa rin kumbinsidong sumama sa PUV modernization program.

Umaasa ang transportation department na aakyat pa sa 85% ang compliance rate, dahil sa panibagong extension.

Tags: ,