DOTr: Bicol International Airport, bubuksan sa darating na Disyembre

by Erika Endraca | May 20, 2021 (Thursday) | 16662

Ginarantiyahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagbubukas ng Bicol International Airport (BIA) sa darating na Disyembre.

Sa kasalukuyan ay 82.22% na ang overall progress rate ng BIA matapos maantala ng 13 taon. Samantala, target namang matapos sa Hulyo ang konstruksiyon ng nasabing paliparan.

“Tatapusin namin ang Bicol International Airport. Pabaunan niyo kami ng tiwala at dasal. Pursigido kaming matapos ang paliparang ito,” ani DOTr Secretary Arthur Tugade.

Inaasahang mapaglilingkuran nito ang 2-M pasahero kada taon at makapaglilikha ng 1,100 na trabaho sakaling magsimula ang operasyon bago matapos ang taon.

Ang BIA ay itinuturing ding ‘Most Scenic Gateway’ ng bansa na matatagpuan sa Daraga, Albay.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,