DOTC, tatapusin na sa Hunyo ang kontrata sa maintenance provider kasunod ng mga aberya sa MRT

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1668

mrt

Simula sa Hunyo ay hahatiin na ng Department of Transportation and Communication sa pitong kumpanya ang maintenance para sa mga tren ng MRT.

Tatapusin na ng MRT ang kontrata sa service provider na Global APT matapos ang serye ng aberya sa MRT.

Kahapon, muli na namang nagka-problema sa makina at monitoring ng tren kaya pinababa ang mga pasahero habang noong isang araw, nagkaroon din ng problema sa signaling system kaya binawasan ang biyahe.

Ayon sa DOTC, patuloy ang bidding process sa pitong maintenance provider at magpapatupad sila ng tinatawag na disciplinary mode of maintenance.

Anim na buwan lang ang ibibigay na kontrata sa pitong kumpanya hindi gaya sa buwanang kontrata sa Global APT.

Sa ngayon ay nasa China ang General Manager ng MRT upang tingnan ang prototype ng tren na posibleng i-deliver sa bansa sa Augusto.

Tags: ,