DOTC Sec. Jun Abaya, nanindigan na ginawa ang lahat upang ayusin ang mga problema sa MRT

by Radyo La Verdad | February 5, 2016 (Friday) | 3292

DOTC-SEC-JUN-ABAYA
Hindi nababahala si Department of Transportation and Communication Secretary Jun Abaya sa subcommittee report na inilabas ni Senador Grace Poe nitong myerkules.

Nanindigan si Abaya na ginawa nila ang lahat upang mapanatili ang operasyon ng MRT 3 at wala silang nilabag na anuman lalo na sa procurement law

Inirekomenda sa subcommittee report, na mahainan ng reklamo ang mga matataas na opisyal ng DOTC ng paglabag sa ilang probisyon ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nakahanda naman si Abaya na harapin ang reklamo, subalit naniniwalang hindi ito uusad dahil wala aniyang batayan ang mga nakasaad sa report

Ayon kay Abaya, halatang halata na mula kay Robert Sobrepeña, ang dating Chairman ng MRT Corporation ang nilalaman ng report.

Dagdag ni Abaya, bakit kailangang pumanig ni Senador Grace Poe sa isang taong gustong gustong hadlangan ang mga ikabubuti ng MRT

Sa ngayon ay may arbitration case na isinampa ang MRT holdings sa Singapore, laban sa DOTC upang pigilan ang pagbili sa apat na put walong bagong tren ng MRT dahil sa umano’y breach of contract

Mayroon ng dalawang bagon ang nasa pangangalaga ng DOTC at inaasahang dadating pa ang 2 ngayong Pebrero

Sa ngayon ay sumasailalim na sa dynamic testing ang tren sa MRT depot, pinapaandar na ito sa riles upang masubukan ang katatagan nito

Sa susunod na linggo ay susubukan na itong patakbuhin sa mismong riles ng MRT sa EDSA.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,