DOTC, maglalagay ng panibagong operation and maintenance contractors

by dennis | May 12, 2015 (Tuesday) | 1910
File photo
File photo

Maglalagay ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ng mga panibagong operation and maintenance contractor para sa MRT upang masolusyunan ang napakahabang pila dito tuwing rush hour.

Ayon kay DOTC Sec Jun Abaya, ang mga kukuning contractor ay itatalaga sa iba’t ibang components ng MRT.

Layunin ng kagawaran na hatiin sa iba’t ibang kontrata ang operasyon at pagmimintina sa rolling stocks, power supply, tracks and permanent ways, automated fare collection system, communications, building facilities and equipment at conveyance.

20 tren ang kinakailangang bumiyahe tuwing rush hour subalit nasa walo hanggang sampung tren lamang ang naidedeploy ng Global APT, ang kasalukuyang maintenance contractor ng lahat ng components na nabanggit kaya nagkakaroon ng mahabang pila sa MRT.

Dagdag ni Abaya, sa Agosto magkakaroon ng 48 panibagong prototype train mula sa China at inaasahan na ang mga dagdag na tren na ito ay magpapabilis sa pagsakay ng mga pasahero nito.(Macky Libradilla/UNTV Radio)

Tags: , ,