DOTC, ininspeksyon ang NAIA Terminal 2 and 3

by Radyo La Verdad | October 29, 2015 (Thursday) | 1729

ABAYA-3
Maagang nagtungo sa NAIA Terminal 3 ang mga matataas na opisyal ng DOTC at Manila International Airport Authority o MIAA para magsagawa ng inspection.

Bilang paghahanda ito sa posibleng biglaang pagdami ng mga pasahero simula sa byernes na uuwi sa mga probinsiya ngayong weekend

Ininspeksyon sa NAIA Terminal 3 at 2 ang ilang pasilidad sa loob ng airport tulad ng baggage at full body scanners at ang police assistance desk.

Ayon kay DOTC Sec. Emilio Abaya Jr., inaasahan nilang mas kaunti ang mga pasahero ng NAIA ngayong taon kumpara noong mga nakaraang taon.

Nagdagdag narin ng mga tauhan sa NAIA upang masiguro ang seguridad ng mga pasahero.

Inatasan na ng MIAA ang airline companies na magdagdag ng personnel sa mga check in counter upang mas mapabilis ang proseso ng paglabas pasok ng mga pasahero.

Sinabi naman ng DOTC na patuloy ang pagiimbestiga ng mga otoridad sa umano’y modus operandi ng ilang empleyado na pagtatanim ng bala sa bagahe ng pasahero.

Paliwanag ni Abaya, patuloy ang pagiimbestiga ng Office of the Transport Security o OTS sa mga tauhan nito na inireklamo kaugnay ng tanim-bala.

Ilang empleyado ng OTS ang iniimbestigahan na kaugnay nito.

Ang mga mapapatunayang may sala ay papatawan ng parusa sa ilalim ng civil service regulation.

Kamakailan isang ofw ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagdadala umano ng live ammunition o bala sa loob ng airport ngunit iginiit ng ofw na biktima lang sya ng laglag bala.

Payo naman ni Abaya sa mga pasahero na bantayang maigi ang kanilang mga bag o bagahe. ( Darlene Basingan / UNTV News )

Tags: ,