DOTC, gagastos ng P9.1 billion para sa mga paliparan sa buong bansa

by Radyo La Verdad | October 12, 2015 (Monday) | 3154

airport plane

Gagastusan ng Department of Transportation and Communications ng P9.1 billion ang tatlumput isang airport sa bansa sa susunod na taon para I-upgrade ang mga naturang paliparan.

Paparami ng paparami ang bilang ng mga pasahero taon-taon sa mga paliparan kung kaya’t plano ng DOTC na I-upgrade ang mga paliparan sa bansa upang magkaroon ng mas mababang singil ng pasahe at mas makatipid sa gasolina.

Ang mas malaking gastos ay mapupunta sa Panglao International Airport na gagastusan ng P2.136 billion, Clark International Airport na may P2 billion at sa Naga Airport na may nakalaang budget na P1 billion.

Ayon sa report ng DOTC sa isinagawang budget deliberation sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ang ibang parte ng budget ay nakalaan para sa pagpapagawa ng mga bagong gusali at pagpapatuloy ng mga nasimulang proyekto.

Tags: ,