DOT, patuloy ang pagpapaalala sa mga accomodation and tourism-establishment na sumunod sa mga health protocol

by Erika Endraca | December 9, 2020 (Wednesday) | 3146

METRO MANILA – Hindi pinalampas ng Department of Tourism (DOT) ang ginawang mass gathering ng large group of individuals sa The Blue Coral Beach Resorts Inc. sa Barangay Laiya, San Juan, Batangas.

Batay sa video na kuha ng mga concerned Citizen, makikita rito ang pagpa-party ng maraming bilang ng mga tao na walang suot na face masks, face shields at hindi pinanatili ang social distancing na nagpapakita ng paglabag panuntunan na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emergency Infectious Diseases(IATF-EID).

Agad namang kinumpiska ang business permit at sinampahan ng appropriate charge ang nasabing establisyemento matapos labagin ang health protocols na inilabas ng IATF-EID.

Samantala,pinapaalalahanan ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang lahat ng mga nagbukas na accommodation at tourism-establishment na sundin at panatilihin ang health and safety protocols na ipinatutupad. Papatawan ng kaukulang parusa ang lalabag at hindi susunod sa nasabing palatuntunan.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,