DOT, naghain ng apela sa mga LGU na gawing simple ang travel requirements

by Radyo La Verdad | November 18, 2021 (Thursday) | 8459

METRO MANILA – Nakipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) sa Local Government Units (LGUs) upang mag apela na gawing simple lamang ang kinakailangang travel requirements, ito ay dahil sa nakakabahalang bilang ng mga reklamong natatanggap ng DOT ukol sa pagkaantala sa pag proseso ng visitor’s requirements na humantong sa missed flights at disrupted travel schedule , lalo sa mga leisure traveler na nag-aaplay na makapasok sa munisipalidad ng Malay na sumasaklaw sa isla ng Boracay.

Bagama’t nauunawaan ng DOT ang mga hamon at paghihigpit na humahadlang sa mga LGU, dahil dito ang DOT ay naglabas ng apela sa lahat ng LGUs na pagaanin lamang ang mga travel requirement upang muling makabangon ang industriya mula sa pagkalugi nito.

Samantala, nais linawin ng DOT na nasa hurisdiksyon ng Local Government Units (LGUs) ang pagroseso ng travel requirments para sa pagpasok ng mga domestic tourist.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: ,