METRO MANILA – Pinahintulutan ng Department of Tourism (DOT) ang nasa 7,200 na hotels, resorts at iba pang mga accomodation establishment na mag operate kalakip ang mga pamantayan at palatuntunan ipinatutupad ng DOT.
Matatandaang noong ika-19 ng Marso ay naging isang malaking dagok sa mga establishment owners ang pagpapasara ng DOT sa mga hotels, resorts at iba pang mga accomodation establishment upang mapigilan ang mabilisang pagkalat ng Covid-19 sa bansa.
Sa pahayag ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sinabi niya na ang mga pagkakalooban ng Certificate of Authority to Operate (CAO) o provisional CAO (PCAO) mula sa ahensya ay dadaan sa pagsusuri at kinakailangang sumunod sa mga protocols upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista na pupunta at papasok dito.
Isa rin sa layunin ng DOT sa pagbibigay ng CAO o PCAO ay upang may matuluyan ang mga Repatriated Overseas Filipino workers (OFWs), mga essential workers at mga stranded na mga foreign at domestic tourists bunsod ng mga travel restrictions na ipinatupad mula ng magsimula ang pandemya.
Sa pinakabagong datos naman ng ahensiya patungkol sa mga hotel and resorts na napagkalooban ng CAO o PCAO. Nagunguna ang Region 4-A na may 1,303, Region 3 na may 830, at Region 1 na may kabuuang bilang na 806.
Samanatala,hinihikayat naman ng kalihim ang lahat ng mga establisyimentong may kaugnayan sa turismo na mag-apply sa DOT para sa Certificate of Authority to Operate (CAO) or provisional CAO kung saan maari nila itong gawin Online at walang gagastusing halaga.
Sinisiguro din ng ahensya na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at mga Local Government Unit(LGU) sa pagbubukas ng mga toursit establishment sa bansa.
(Kyle Nowel Ballad |La Verdad Correspondent)
Tags: DOT