DOT, inatasan ang regional offices na tulungan ang tourism sites na apektado ng oil spill                                                                                                                          

by Radyo La Verdad | March 9, 2023 (Thursday) | 4482

Nagsagawa ng site validation ang regional at provincial tourism office ng Oriental Mindoro sa mga lugar sa probinsiya na apektado ng oil spill, ito ay upang tingnan at alamin ang nararapat na tulong na dapat maibigay ng Department of Tourism.

Sa inisyal na tala, nasa 61 tourist sites sa oriental mindoro ang apektado na ng nangyaring oil spill. Habang 51 accomodation establishments din ang apektado, kung saan wala munang bookings at mga tourism activity upang maiwasan ang anomang banta mula sa oil spill.

Bunsod nito umabot na sa 977 individuals o tourism workers ang apektado na rin ang mga trabaho.

Ayon kay provincial tourism officer Don Calda, tinitingnan nila ngayon ang pagbibigay ng livelihood assistance at skills training sa mga apektadong manggagawa.

Sa kasalukuyan ipinagbabawal muna ang anomang water activities sa mga identified areas sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill.

Gadys Toabi | UNTV News

Tags: , ,