DOT humingi ng tulong sa PNP-CIDG para mahanap ang nawawala nilang miyembro

by Erika Endraca | November 25, 2020 (Wednesday) | 7580

Pinangangambahan ng Department of Tourism (DOT) ang pagkawala ng isa nilang miyembro na si Atty. Ryan Oliva , ang Chief ng Legislative Liaison Unit ng ahensya. Ayon sa DOT, huling nacontact ang biktima noong Linggo, November 22.

Nakikipagtulungan na ang DOT sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para mahanap ang biktima, at patuloy na nakikipag-ugnayan sa pamilya ni Atty. Oliva.

Humihingi rin ng tulong ang ahensya sa kung sino man ang may alam sa kinaroroonan ni Atty. Oliva ay makipagugnayan at magbigay-alam sa PNP-CIDG sa kanilang hotline: 0998-967-4924.

Hinihiling din ng DOT ang patuloy na panalangin para sa matagumapay na paghahanap at umaapela para sa privacy ng pamilya Oliva.

(Syrix Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: ,