DOST, hinikayat ang publiko na magbahagi ng mga makabagong ideya na makatutulong sa pag-unlad

by Radyo La Verdad | February 20, 2018 (Tuesday) | 4529

Sa Global Innovation Index (GII) noong 2017, ang Pilipinas ang ikapitumpu’t tatlo sa isang daang at dalawampu’t pitong bansa. Ang GII ay isang Annual Global ranking na nag-aassess ng innovation capabilities ng mga bansa.

Kaya naman kahapon, kaalinsabay ng pagdiriwang ng Philippine Innovation Week, nagsagawa ng innovation forum ang Department of Science and Technology o DOST katuwang ang ibang organisasyon. Dito tinalakay ang hamon ng pagkakaroon ng inobasyon sa iba’t-ibang sektor tulad ng edukasyon, research and development at iba pa.

Hinikayat ni DOST Secretary Fortunato dela Peña ang mga Pilipino na magbahagi ng kanilang mga ideya para sa ikauunlad ng bansa. Ipinagmalaki rin nito ang ilang mga inobasyon sa ilang mga sektor.

Samantala, magkakaroon din ng innovation awards sa Nobyembre para sa mga indibidwal o grupo na nanguna sa mga inobasyon sa government service, small and medium-sized enterprises, tech-voc education at agri-business.

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,