Dormitory program para sa mahihirap na estudyante, isinusulong sa Kongreso

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 2231

HOUSINGDORMITORY

Isang panukalang batas ang inihain sa Mababang Kapulungan para magbigay ng murang pabahay at dormitoryo para sa mahihirap na Pilipinong estudyante, partikular ang mga galing sa malalayong probinsya.

Ayon kay lone district, Lapu-Lapu city Representative Aileen C. Radaza, may-akda ng House Bill 5355 o ang Student Housing Act of 2014, hinihikayat ng Estado ang pribadong sector na mamuhunan sa pagpapatayo ng mga housing projects o student dormitories sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga insentibo.

Kapag naipasa ang panukala, binibigyan nito ng mandato ang National Housing Authority (NHA) at Commission on Higher Education (CHED) na tiyakin na abot-kaya ang mga dormitoryo para sa mga mag-aaral.

Inaatasan rin nito ang NHA na magpatayo ng murang pabahay at dormitoryo sa mga lugar na malapit sa mga pamantasan.

Sa pamamagitan ng panukalang batas, umaasa si Radaza na mabibigyan ng maayos na edukasyon ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ligtas, mas mura at abot-kayang halaga na upa sa mga dormitoryo lalo na ang mga estudyante mula sa mga malalayong lalawigan.

Tags: , , ,