Donald Trump, opisyal nang hinirang na Republican Presidential Candidate

by Radyo La Verdad | July 20, 2016 (Wednesday) | 1658
Business Mogul Donald Trump(REUTERS)
Business Mogul Donald Trump(REUTERS)

Opisyal ng inanunsyo ni House Speaker Paul Ryan sa Republican National Convention sa Cleveland, Ohio si Business Mogul Donald Trump bilang Republican presidential candidate.

Naging emosyonal ang pagkahalal kay Trump sa roll call ng mga estado nang sabihin ng kanyang anak na si Donald Trump Jr. ang boto ng home state nitong New York na nalampasan ng kanyang ama ang kinakailangang 1,237 delegates.

Sa acceptance speech naman ni Trump inihayag nito ang kanyang mga plataporma kung papalaring mananalo sa general elections sa Nobyembre.

Samantala, patuloy ang protesta sa paligid ng stadium kung saan ginaganap ang Republican convention.

Tinututulan ng mga protesters ang mga pahayag ni Trump tungkol sa pagban sa pagpasok ng mga Muslim immigrant sa America at paggawa ng wall sa pagitan ng America at Mexico.

Bukas, inaasahang darating sa Cleveland si Trump kasama ang kanyang napiling vice president na si Indiana Governor Mike Pence para sa kanilang party address.

Sa Lunes, idaraos naman ng Democrats ang convention nito sa Philadelphia upang opisyal na ihayag na si Former Secretary Hillary Clinton ang kandidato ng kanilang partido.

Sa huling national poll, nagsisimula nang maging mainit ang laban ng dalawang kandidato sa mga battle ground states gaya ng Florida, Virginia at Ohio, 1 digit percentage nalang ang lamang ni Clinton kay Trump sa mga lugar na ito.

(James Bontuyan / UNTV Correspondent)

Tags: ,