Donald Trump, inilatag ang ilan sa mga plano kapag naupo na bilang ika-45 pangulo ng U.S.

by Radyo La Verdad | January 20, 2017 (Friday) | 11794
President-elect Donald Trump(REUTERS)
President-elect Donald Trump(REUTERS)

Ilang oras bago ang kaniyang inaguaration bilang ika-45th president ng bansang Amerika ay dumating na sa Washington si President-elect Donald Trump.

Kasama ni Trump ang kaniyang asawa na si Melania at mga anak.

Una ay naghost ng luncheon si Trump sa kanyang gabinete at staff sa Washington.

Matapos nito ay nagtungo ang president-elect sa Arlington National Cemetery upang magsagawa ng traditional na laying of wreath at pagkatapos ay dumalo siya sa isang pre-inauguration concert.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga supporter, nangako si Trump na muli niyang pagkakaisahin ang Amerika, paglikha ng mas maraming trabaho, mas maigting na security measures at pagpapatibay sa border ng bansa.

Muli ring tinuligsa ni Trump ang kanyang mga kritiko at mga taong duda sa kanyang pagkapanalo bilang bagong pangulo ng super power nation.

Samantala isang Filipina fashion designer ang kabilang sa mga naimibtahang dumalo sa inaugural ball ni Trump bukas.

Si Kirsten Guitche Regalado, Tubong La Castellana, Negros Occidental, ay apo ng isang US World War II veteran.

Bago ang pormal na panunumpa nito sa puwesto ay pupunta muna si Trump sa St. John’s Episcopal Church malapit sa White House kasama ang kaniyang asawa;

Pagkatapos nito ay makikipagkita sila kina outgoing President Barack Obama at First Lady Michelle Obama para sa morning coffee bago ang motorcade papunta sa capitol.

Manunumpa si Trump at Vice President Mike Pence sa harap ni Chief Justice John Glover Roberts Jr dakong 11:30 ng umaga oras sa Washington D.C. o alas 12:30 ng madaling araw oras sa Pilipinas.

(James Bontuyan / UNTV Correspondent)

Tags: ,