METRO MANILA – Nagkansela na ng flights ang ilang mga airline company Ngayong Araw (December 3) dahil sa lakas ng ulan at hanging dala ng Bagyong Tisoy.
Ang Philippine Airlines kinansela ang kanilang international at domestic flights Ngayong Araw (Dec. 3) hanggang Bukas (Dec 4).
Nagkansela na rin ng flight Ngayong Araw (Dec.3) ang Cebu Pacific at Air Asia.
Pinapayuhan ang mga pasahero makipag-ugnayan sa airline companies bago pumunta sa airport upang hindi mastranded ng matagal sa mga paliparan.
Para sa kumpletong listahan ng mga kanseladong byahe ng eroplano maaaring tumawag o bumista sa mga website at social media account ng airline companies.
METRO MANILA – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Tisoy sa bansa kung saan umabot na sa 13 ang kumpiramdong nasawi habang 34 naman ang sugatan ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC).
Sa bagong tala ng ahensya, 2 ang namatay sa Calabarzon Region ; 7 sa Mimaropa habang 4 naman sa Region 8.
Patuloy naman ang pagkumpirma ng Ndrrmc sa iba pang napaulat na nasawi partikular na sa Bicol Region kung saan 5 umano ang namatay. Nasa mahigit 8,000 bahay at mahigit 100 eskwelahan din ang napinsala.
Hindi pa tukoy kung magkano ang kabuuang pinsala sa imprastaktura dahil patuloy pa ang damage assessment ng pamahalaan sa mga lugar na napinsala ng bagyo.
Nasa mahigit 90,000 pamilya o mahigit 400,000 indibidwal naman ang naapektuhan ng bagyo mula sa mahigit 1,000 baranggay. Habang mahigit 83,000 pamilya ang nananatili sa 2,000 evacuation centers.
Samanatala tiniyak naman ng NDRRMC na sapat ang relief goods para sa mga naapektuhang lugar.
Sa ngayon ay mahigit sa P3-M ng ayuda ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of Civil Defense (OCD) sa mga apektadong pamilya.
(Harlene Delgado | UNTV News)
Tags: bagyong tisoy, NDRRMC
METRO MANILA – Umabot na sa mahigit sa P530-M ang naitalang pinsala ng Department of Agriculture (DA) sa agrikultura sa Calabarzon at Bicol Region kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Tisoy.
Base sa inisyal na ulat ng kagawaran, apektado nito ang mahigit sa 3,800 magsasaka na may mahigit sa 14 na libong ektarya ng sakahan.
Nasira ang mga pananim na palay, mais at iba pang high value crops. Ayon sa (DA), may mga nakahanda nang binhi para sa muling makapagtanim ang mga magsasaka.
Samantala, may nakalaang P250-M na quick response fund ang DA para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyo.
Bukod pa ito sa P65-M pondo para sa survival recovery o sure program ng agricultural credit policy council. Nakahanda rin ang Philippine Crop Insurance Corporation para bayaran ang mga nasirang pananim.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: agriculture, bagyong tisoy
METRO MANILA – Umabot na sa 17 ang naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ni Bagyong Tisoy sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa datos ng regional offices ng Philippine National Police (PNP), 5 ang kumpirmadong nasawi sa Bicol region habang 1 naman ang sugatan.
5 rin ang nasawi sa Oriental Mindoro habang 2 naman sa Marinduque. May naitala ring nasawi sa Ormoc City sa Leyte.
Habang 3 naman ang naiulat na namatay sa Quezon Province. Karamihan umano sa mga nasawi ay nabagsakan ng puno, nalunod, o inatake sa puso.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, patuloy ang kanilang pagberipika sa mga napabalitang nasawi dahil bibigyan ng ayuda ang mga pamilya nito.
P20,000 ayuda ang matatanggap ng mga pamilya ng mga nasawi habang P10,000 naman para sa mga nasaktan dahil sa bagyo. Patuloy pa rin aniya ang kanilang damage assessment sa mga napinsalang imprastruktura at agrikultura.
“Yung assessment po sa Bicol at sa Samar provinces na dinaanan ng bagyo, ongoing. At nakikita po natin po natin na ‘yung mga reports na nagkaroon ng mga pagbaha doon sa area, at ito po’y unti-unting pinapadala sa atin ng mga kasamahan natin from the ground.” ani NDRRMC Spokesperson, Mark Timbal.
Sa huling tala ng NDRRMC, nasa mahigit 100,000 pamilya o halos 500,000 indibidwal ang inilikas sa kanilang mga tirahan sa Region 3, 5, 8, NCR at Mimaropa.
Muli namang sinigurado ng NDRRMC na nakahanda ang kanilang relief goods sakaling mangailangan na ng karagdagang suplay ang mga nasalantang probinsya maging ang mga lugar na isinailalim na sa state of calamity.
(Harlene Delgado | UNTV News)
Tags: bagyong tisoy, NDRRMC, pinsala