DOLE, nilinaw na walang kautusan ng sapilitang pagpapauwi ng mga OFW sa Hongkong.

by Erika Endraca | October 21, 2019 (Monday) | 16268

METRO MANILA, Philippines – Walang pinag-uusapan sa ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) at consulate sa Hongkong kaugnay sa posibleng pagpapauwi ,kusang loob o sapilitan man ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hongkong.

Kaya naman hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang publiko na huwag pansinin ang mga kumakalat na fake news sa internet .Kaugnay ito ng umanoy sapilitang pagpapauwi sa mga OFW sa Hongkong dahil sa patuloy na kilos protesta doon

Pakiusap ng kalihim tigilan na ang pagpapakalat nito at huwag ng palalain pa ang sitwasyon na maglalagay sa panganib sa mga OFW sa Hongkong , sa halip ay tulungan ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng maling impormasyon

Nilinaw din ng kalihim na wala pa namang OFW sa Hongkong na lumalapit sa kagawaran upang humingi ng tulong na makauwi na sa Pilipinas

Muling paalala ng DOLE sa mga OFW sa Hongkong,mas maigi aniyang manatili na lamang sa loob ng kanilang mga at iwasang magsuot ng white o black tshirts upang hindi mapagkamalang kabilang sa mga raliyista.

Payo ng DOLE, maiging ipagpaliban muna ang pag-biyahe papuntang hongkong hangga’t maari habang nagpapatuloy ang mga kilos protesta. Nauna na ring naglabas ang DOLE ng pahayag na walang deployment ban ng OFWs sa HK.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,