DOLE, nakapagtala ng dagdag trabaho sa loob ng 1 buwan

by Radyo La Verdad | May 7, 2021 (Friday) | 4745

METRO MANILA – Naglabas ng ulat ang Department of Labor of Employment tungkol sa isinagawang Labor Force Survey para sa buwan ng Marso 2021.

Ayon sa nasabing ulat, tumaas ang bilang ng employment rate sa bansa sa loob lamang ng 1 buwan.

Aabot sa 2.18-M manggagawa ang iniulat ng DOLE na nadagdag sa kabuuang bilang na 45.33-M indibidwal (92.9%) na may trabaho para sa buwan ng Marso 2021.

Maikukumpara na halos 1.7% ang naidagdag simula noong Pebrero 2021 na 43.15-M indibidwal (91.2%).

Ayon sa ahensya sa kasalukuyang unemployment rate na 7.1% o 3.44-M na walang trabaho, masasabing ito na ang pinakamababang naitala simula ng magumpisa ang pandemiya sa bansa.

Dagdag pa rito ang bahagyang pagbaba ng bilang ng underemployed na aabot sa 510,000 indibidwal, mula sa bilang na 7.85-M noong buwan ng Pebrero at 7.34-M para sa buwan ng Marso.

(Joram Jeomeri Flores | La Verdad Correspondent)

Tags: