DOLE, nagpaalala ukol sa double pay ng mga empleyadong on duty ngayong June 17, Eid’l Adha

by Radyo La Verdad | June 17, 2024 (Monday) | 11329

METRO MANILA – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa mga private employers na entitled sa double pay ang mga empleyado na magta-trabaho ngayong araw ng Lunes, June 17, Eid’l Adha.

Nakasaad sa labor advisory number 8 ng ahensya ang computation sa payment of wages at panuntunan para sa regular holiday.

Pirmado ang nasabing abiso ni Labor and Employment Undersecretary Carmela Torres.

Kung hindi papasok sa trabaho, 100% pa rin ng arawang sweldo ang ibibigay ng employer sa empleyado.

At kung on duty pa rin sa regular holiday, 200% ng daily wage ang ibabayad sa empleyado.

Sa bisa ng Proclamation Number 579, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang June 17 bilang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga muslim.

Tags: ,