Naglabas ng abiso ang Department of Labor and Employment hinggil sa pay guidelines ng mga manggagawa sa pribadong sektor para sa long holiday.
Sakop ng pay guidelines ang Abril 2, 3 na pawang mga regular holiday at Abril 4 na isang special non-working holiday.
Sa ipinalabas na Labor Advisory no.18 na may petsang Marso 25, ang pay rules para sa Abril 2 at 3 ay ang mga sumusunod:
Kapag hindi pumasok ang isang empleyado, babayaran ito ng 100% ng kanyang sweldo sa araw na yaon [(Daily rate + COLA) x 100%]
Kapag pumasok naman ang empleyado, babayaran ito ng 200% ng kaniyang regular na sahod para sa unang walong oras [(Daily rate + COLA) x 200%]
Kapag nagovertime naman, babayaran ito ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate [(Daily rate + COLA) x 200%] + [30% (Daily rate x 200%)]
Kapag pumasok naman ang isang empleyado sa regular holiday na nataon na ito rin ang araw ng kanyang pahinga, babayaran ito ng karagdagang 30%
[(Daily rate + COLA) x 200%] + [30% (Daily rate x 200%]
At kapag nagovertime naman ang isang manggagawa sa kaparehong sirkumstansya, babayaran ito ng karagdagang 30% sa kanyang kada oras na trabaho.
Samantala, sa Abril 4 na isang special-non working holiday, ipatutupad naman ang “no work, no pay” policy maliban na lamang kung may mga kondisyon na nakapaloob sa company policy o collective bargaining agreement na pabor sa mga empleyado.
Kapag pumasok ang isang empleyado, babayaran ito ng karagdagang 30% ng kaniyang arawang sahod batay sa unang walong oras na trabaho [(Daily rate x 1.3) + COLA]
Kapag nagovertime work ang isang manggagawa, at nataon din na ito rin ang kanyang rest day, babayaran ito ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate.
Ang pay rules na ito ay alinsunod sa Proclamation No. 831 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Hulyo 17, 2014
Tags: DOLE, pay rules, regular holiday, special non-working holiday